remembering U.P.

Thursday, April 17, 2008



I was browsing the net and found these set of questions which made me reminisce my UP life...

ANO’NG STUDENT NUMBER MO?
98-05601 (wow! memorized ko p rin by heart)

NAKAPASA KA BA OR WAITLISTED?
nakapasa, pinaghandaan ko talaga yun. haha!

PAANO MO NALAMAN ANG ENTRANCE EXAM RESULT?
letter from UP

FIRST CHOICE MO BA ANG UP?
oo naman!

ALAM MO BA ANG UPG SCORE MO?
hindi. kailangan bang alamin 'yun?

ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?
BS Tourism. Undecided pa ksi ako nung highschool, e kailangan na submit ng app form, so yun na lng. Non-quota kinuha ko ksi nga alam ko mahirap mkapasok.

SECOND CHOICE?
BS Psychology

ANO naging COURSE MO?
BS Tourism

NAGPLANO KA BANG MAG-SHIFT?
oo, business ad sana pero hirap shift.

NAKAPAG-DORM KA NA BA?
yup, sa Kalay nung first year then Sampa til 4th year. bait ko noh, palagi nare-renew contract sa dorm.

NAKA UNO KA NA BA?
hindi nga e. badtrip! kahit isa wala.

NAGKA-3?
wala naman

HIGHEST GRADE/ LOWEST GRADE:
1.25 / 5 :( >tama k, sa math nga!

WORST EXPERIENCE SA UP:
bagsak sa math 11 waaaah! iniyakan ko tlga yun ah.

LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE?
oo nman... most of the time.

ANO’NG ORG MO?
wala, di ko feel. haha! nkagraduate nman ako na wlang org.

MAY SCHOLARSHIP KA BA?
wala

PINANGARAP MO BANG MAG-CUM LAUDE?
oo pero alam kong hindi sa UP. lalo na pgkatapos ko i-drop ang math11 nung 1st sem ng 1st year.

KELAN KA NAGTAPOS?
2002 pa

FAVE SUBJECT:
-- mga PE ko... taas lhat ng grade (stretching, cheerleading, running, camping)
-- tourism majors na may out of town trip
-- practicum sa Holiday Inn Clark

WORST SUBJECT:
-- Math 11 (ang panira ng transcript)

FAVE LANDMARK:
si Oble

FAVE BUILDING:
main lib. gusto ko lng, ganda location. haha!

PABORITONG KAINAN:
wala akong favorite, pero kumakain ako sa casaa, beach house, etc. kahit sa aristocart : )

Noong ESTUDYANTE KA PA MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP?
sa ikot/toki, 2.75

LAGI KA BA SA LIB?
pg may kailangan lng i-research esp sa maalikabok na Filipiniana Section. hirap ksi mkakuha ng ganitong info noon sa internet.

NAGPUNTA KA BA SA CLINIC NUNG MINSANG NAGKASAKIT KA?
nung physical exam na required pag freshie ka at nung nagpacheck-up ako dahil sa fever... tpos i found out na chicken pox pala. buti ns lng Christmas break na kinabukasan. di na tuloy ako naka-attend ng lantern parade

MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS?
meron naman yata

BF/GF?
meron dat time pero hindi sya from UP

MAY BALAK KA BA MAG-MASTERS O MAG-PHD?
nag-attempt ako... 1 sem sa CHE, Masters in Food Service, di ko na tinuloy. 3 years after grad, i took a second course, BSN.

ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO?
Aikido - incomplete ako dito;
Judo - nag-drop ako dahil yoko n ng mat burns;
Stretching - tamad kasi ako, walang hilig sa sports;
Camping - masaya ksi khit kakapagod;
Cheerleading - panood-nood lng ksi ng game (tamad talaga);
Running - patakbo-takbo lng. :)

KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO?
ayun, close naman sila.

NAKAPANOOD KA NA BA NG GRADUATION SA UP?
my own graduation lng

MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG?
hindi e, ganda pa naman nun.

MEMBER KA BA NG UP VARSITY TEAM?
Hindi... wish ko UP Pep squad! hahahaha!

NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM?
oo naman. di ko na maremember kng anong exam. for sure hindi math. haha!

ANO’NG AYAW MO SA FINALS WEEK?
yung sabay-sabay na nga ang exams, nkikidagdag pressure pa yung mga prof ng subjects na pwede naman nauna nagpasubmit ng requirements.

DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER?
hindi naman. lam ko na yan nung high school

ANO’NG GUSTO MO SA UP?
-- ung prestige
-- isaw, fishballs, squidballs, beach house, SC
-- marami pa actually, pero mahirap ma-explain eh

ANO’NG AYAW MO?
-- yung very high expectation sa 'yo ng mga tao when they know you're from UP
-- yung ibang mga tao na conceited (studyante o hindi)

MAGANDA BA ID PIC MO?
eeeeeew.... ang pangit talaga! kaya before graduation, nawala (ay, iwinala pla). nagproduce n lang ako ng affidavit of loss kaya ayun, bagong ID na. ganda na!

MAY GINAWA KA NA BANG ILLEGAL SA LOOB NG CAMPUS?
wala naman yata.

Hayyyy! i miss UP!

Permalink | 1 Comments